Thursday, 12 July 2012

Pagsasadula ng Pangkat 4


Ang larawan na ito ay nagpapakita nang pagsasadula ng Pangkat 4 sa dulang "Walang Panginoon".Ang aking kaklase na si Orga ang gumanap na si Marcos na kung saan makikita niyo sa larawan na siya ay nakaluhod at ang nakaupo naman ay si Ronnie na kung saan siya ang gumanap na Ama ni Marcos.

Walang Panginoon


Ang dulang "Walang Panginoon" ni Deogracias Rosario ay patungkol sa pakikipagtunggali ng mahihirap na pamilya sa mga mayayaman.Sa Dulang ito ay namatay si Don Teong na isang mayaman dahil sa pagsuwag sa kanya ng kalabaw na inaalagaan ni Marcos at ang pagkamatay niya ay hindi nabigyan ng katarungan dito dahil sa walang ebidensya na si Marcos ay may kinalaman sa nangyari sa kanya.

Luha ng Buwaya


Ang dulang ito ay umiikot  sa pangaapi ng isang mayamang pamilya sa mga mahihirap na mamamayan sa  prob.insya at kung paano nagtulong-tulong ang mga mahihirap upang lumaban at lutasin ang kanilang problema

Jaguar

Ang Dulang "Jaguar"ay tungkol sa isang gwardiya na kung saan ay inimbitahan niya ang kanyang amo na dumalo sa piyesta sa kanilang lugar.

Kwento ni Mabuti

Ang Kwento ni Mabuti ay patungkol sa isang guro na kung saan wala siyang ibang bukambibig kundi ang salitang "mabuti". Ngunit hindi talaga mabuti ang kanyang tunay na pangalan dahil nga sa bukambibig niya ang salitang ito siya ay nabansagan na "MABUTI".Siya ay isa lamang ordinaryong guro sa kanyang eskwelahang pinapasukan.

Wednesday, 20 June 2012

Pag-Ibig ni Emilio Jacinto


Ito ang aming Pangalawang Takdang Aralin na tungkol sa Pag-Ibig na ang may akda ay si Emilio Jacinto. Ang Sanaysay na ito ay  tungkol sa ibat-ibang uri ng pag-ibig katulad ng pag-ibig sa bayan,kaaway,sarili at kapwa .

Pag-Ibig ng Ina sa kanyang anak .


Itong larawan na ito ay nagpapakita ng Pag-Ibig ng isang Ina sa kanyang anak.Ito ay may kinalaman sa aming tinalakay na tungkol sa akdang Ang Pag-Ibig na ang sumulat ay si Emilio Jacinto.

Thursday, 14 June 2012

Unang Takdang Aralin




Ito ang una naming takdang aralin sa Asignaturang Filipino.
Sa Aking Mga Kababata na ang siyang may akda ay si Dr. Jose Rizal . Ang Tulang ito ay patungkol sa pagmamahal sa ating sariling Wika at Bansa.