Thursday, 12 July 2012
Pagsasadula ng Pangkat 4
Ang larawan na ito ay nagpapakita nang pagsasadula ng Pangkat 4 sa dulang "Walang Panginoon".Ang aking kaklase na si Orga ang gumanap na si Marcos na kung saan makikita niyo sa larawan na siya ay nakaluhod at ang nakaupo naman ay si Ronnie na kung saan siya ang gumanap na Ama ni Marcos.
Walang Panginoon
Ang dulang "Walang Panginoon" ni Deogracias Rosario ay patungkol sa pakikipagtunggali ng mahihirap na pamilya sa mga mayayaman.Sa Dulang ito ay namatay si Don Teong na isang mayaman dahil sa pagsuwag sa kanya ng kalabaw na inaalagaan ni Marcos at ang pagkamatay niya ay hindi nabigyan ng katarungan dito dahil sa walang ebidensya na si Marcos ay may kinalaman sa nangyari sa kanya.
Luha ng Buwaya
Ang dulang ito ay umiikot sa pangaapi ng isang mayamang pamilya sa mga mahihirap na mamamayan sa prob.insya at kung paano nagtulong-tulong ang mga mahihirap upang lumaban at lutasin ang kanilang problema
Jaguar
Ang Dulang "Jaguar"ay tungkol sa isang gwardiya na kung saan ay inimbitahan niya ang kanyang amo na dumalo sa piyesta sa kanilang lugar.
Kwento ni Mabuti
Ang Kwento ni Mabuti ay patungkol sa isang guro na kung saan wala siyang ibang bukambibig kundi ang salitang "mabuti". Ngunit hindi talaga mabuti ang kanyang tunay na pangalan dahil nga sa bukambibig niya ang salitang ito siya ay nabansagan na "MABUTI".Siya ay isa lamang ordinaryong guro sa kanyang eskwelahang pinapasukan.
Subscribe to:
Posts (Atom)